Proper Collection & Storage of Expressed Breastmilk

Proper Collection & Storage of Expressed Breastmilk

by Dr. Katrina Florcruz

Ano nga ba ang tamang paraan ng pagtatago ng nakolekta na breastmilk?

May mga mommies na nagc-collect ng kanilang breastmilk tuwing sila ay babalik na sa trabaho or aalis ng bahay.

  • Maghugas ng kamay bago magsimula mag-collect ng breastmilk. Linisin din nang mabuti ang breastpump.
  • Ihanda ang paglalagyan ng gatas. May nabibili na sterile milk bags o kaya ay mag-sterilize ng plastic/infant bottles na may cap (takip).
  • Lagyan ng DATE ang bag/bottle kung kailan nakolekta ang gatas.
  • Wag ihahalo ang bagong koletang gatas sa mas lumang gatas.
  • Kapag gagamit ng gatas galing sa freezer, tunawin ang gatas sa pamamagitan ng:
    • paglipat ng bote or milk bag sa refrigerator.
    • unti-unting pagbabad ng bote or bag sa isang mangkok na may maligamgam na tubig.

Ito ang recommended storage period ng breastmilk

DrKatrinaFlorcruzPH_Breastmilk_Storage-Guide

Mga paalala:

  • Iwasan gumamit ng microwave oven sa pag-init ng gatas galing sa freezer/ref.
  • Huwag i-freeze ulit ang natunaw nang gatas.
  • Sundin ang milk storage guide para malaman kung hanggang kailan pwede itago ang na-kolekta na breastmilk.
  • Kung may katanungan, kumonsulta po sa inyong pediatrician.

Mag-iwan ng COMMENT kung ikaw ay may tanong or nais i-SHARE tungkol sa iyong BREASTFEEDING journey.

Salamat po!