Masamang Epekto ng Gadgets sa Mata ng Bata

DrKatrinaFlorcruzPH_Gadget_Eyes

Masamang Epekto ng Gadgets sa Mata ng Bata

by Dr. Katrina Florcruz

Ang SOBRANG panonood ng TV at paggamit ng gadgets (computer, tablet, cellphone, video games) ay MASAMA sa mga MATA ng bata.
Pwede itong magdulot ng:
  1. EYE FATIGUE (PAGKAPAGOD NG MATA)
    Napapagod ang mga muscles ng mata kapag matagal nakatitig sa screen ng gadgets. Maaari din ito magdulot ng pagsakit ng ulo (headache).
  2. PANLALABO NG MATA
    Kapag matagal naka-focus ang mga mata sa gadgets, pwedeng humantong sa paglabo ng mga mata o kaya ay near-sightedness.
  3. DRY EYES
    Ang mga bata na gumagamit ng gadgets ay mas madalang kumurap kung kaya’t natutuyo ang kanilang mga mata. Ilan sa symptomas ng “Dry Eyes” ay madalas na pagkurap (tuwing hindi gumagamit ng gadgets), pamumula ng mata, at pagkasilaw sa liwanag.

Ipa-konsulta ang inyong anak sa ophthalmologist (eye doctor) kung may nakita kayong ilan sa mga symptoms na nabanggit.

Dapat ay LESS THAN 2 HOURS bawat araw lamang gumagamit ng gadgets ang mga bata.

I-SHARE po natin. SALAMAT PO!
Reference: AAP, 2017/ Image sources: Google/CTTO