Iwasan ang Diarrhea
by Dr. Katrina Florcruz
Ang diarrhea ay pwedeng maiwasan kung ating susundin ang mga sumusunod:
1.) MAGHUGAS NG KAMAY
Ang paghuhugas ng kamay ay simple at effective na paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Kung walang sabon at tubig, maaring gumamit muna ng Alcohol, Alcogel o Hand Sanitizer.
Ang paghugas ng mga kamay ay dapat gawin:
- Bago at pagkatapos kumain
- Pagkatapos gumamit ng toilet
- Bago maghanda ng pagkain ng pamilya
2.) UMINOM NG MALINIS NA TUBIG
Ang pag-inom ng maduming tubig ay maaring magdulot ng diarrhea dahil sa bacteria (tulad ng E. coli) at mga parasite (tulad ng Amoeba). Uminom lamang ng tubig mula sa malinis na pinagkukunan. Available po ang mga mineral water, purified water, alkaline water, at iba sa grocery o delivery.
Ang tamang paraan ng pagpapakulo ng tubig na pang-inumin:
a. Ilagay ang tubig sa malinis na kaldero.
b. Takpan ang kaldero at sindihan ang kalan.
c. Hintayin na magsimulang lumabas ang mga bula mula sa ilalim ng kaldero.
d. Kapag ang bula ay dumami na at ang tubig ay kumukulo na, hayaan pa na kumulo ang tubig for 20 minutes.
e. Patayin ang apoy at hayaang lumamig ang tubig.
f. Isalin ang malinis na tubig sa malinis na lalagyan na may takip.
3.) LUTUIN NG MABUTI ANG PAGKAIN
Ang diarrhea ay pwedeng manggaling sa pagkain na madumi, panis, o hilaw. Tandaan na hugasan ng mabuti ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Siguraduhin na ang mga hilaw na karne at isda ay naluluto ng mabuti. Huwag gumamit ng EXPIRED na sangkap (tulad ng de lata at pampalasa). Iwasan din po ang kumain ng panis na pagkain.
Ilan lamang yan sa mga tips upang maiwasan ang diarrhea.
Kung may iba pa po kayong tips upang maiwasan sang diarrhea, i-SHARE po natin ito sa COMMENTS section.
Salamat po!