Bakit Masama ang Usok ng Sigarilyo sa mga Bata?

DrKatrinaFlorcruzPH__Cigarette-smoke

Bakit Masama ang Usok ng Sigarilyo sa mga Bata?

by Dr. Katrina Florcruz

“Sa labas naman ako ng bahay naninigarilyo.”
“Hindi ako sa harap ng aking anak naninigarilyo.”

Iyan ay ilan sa dahilan na madalas sabihin ng mga naninigarilyo (smokers) kapag pinapayuhan na tumigil para sa kapakanan ng kanilang anak.

ANO ANG SECONDHAND SMOKE?

Ang secondhand smoke ay ang usok galing sa sinindihan na sigarilyo. Ito din ang hangin na ibinubuga ng isang tao na naninigarilyo. Ito ay may CHEMICALS na HINDI MABUTI sa katawan at pwedeng magdulot ng CANCER.

ANO ANG THIRDHAND SMOKE?

Ang thirdhand smoke ay mga bakas ng usok ng sigarilyo kahit ito ay upos na. Ito ang chemicals at toxins na DUMIDIKIT sa BUHOK AT BALAT, at gamit tulad ng SOFA, CARPET, at DAMIT. Ito ang dahilan kung bakit may masamang epekto ang paninigarilyo sa bata kahit sa labas nanigarilyo ang tatay/nanay o kung sino man matanda na kasama sa bahay.

ANO ANG EPEKTO NG USOK NG SIGARILYO SA KALUSUGAN NG MGA BATA?

DELIKADO ang usok ng sigarilyo – first, second o third hand smoke man ito. Ang mga masamang epekto nito sa kalusugan ng bata:
* Infection sa tenga (OTITIS, LUGA)
* Madalas na atake ng HIKA or ALLERGIC RHINITIS
* Paulit-ulit na UBO, SIPON, PAGBAHING, HIRAP HUMINGA
* Infection sa baga (PNEUMONIA, BRONCHITIS)
* Mataas na risk ng SUDDEN INFANT DEATH SYNDROME
* nagiging MAS SAKITIN ang bata

ANO ANG DAPAT GAWIN?

* Huminto sa paninigarilyo. MAGING MAGANDANG HALIMBAWA sa inyong mga anak.
* Iwasan na ma-expose ang bata sa usok ng sigarilyo, nasa bahay man sila o sa mga pampublikong lugar (restaurant, school, mall).
* Ugaliing maglinis ng bahay at siguraduhin na maganda ang galaw ng hangin.

SHARE po natin ang kaalaman. Mag-iwan ng COMMENT kung ikaw ay may tanong, comment o opinion.

Salamat po!