Depression sa Kabataan: Gawa-gawa Lang ba?
“Baka OA (over-acting) o KSP (kulang sa pansin) lang?”
O baka naman kailangan talaga ng bata ng atensyon at tulong dahil siya ay may DEPRESSION?
Ang depression ay walang pinipiling edad, kahit mga bata or teenagers ay pwedeng magkaroon nito.
ANO ANG DEPRESSION?
Ang depression ay isang kondisyon kung saan ang bata/teenager ay nakakaranas ng pangmatagalan at matinding kalungkutan. Ito ay nagdudulot ng pakiramdam na siya ay walang katuturan. Sa Depression, ANG KALUNGKUTAN AY HINDI NAWAWALA kahit magbago ang sitwasyon, kondisyon, o ang paligid nya.
ANO ANG MGA SYMPTOMS NG DEPRESSION?
Obserbahan kung may biglang nagbago sa MOOD at KILOS tulad ng:
- madalas malungkot
- kawalan ng interes sa mga dati nyang ginagawa: ayaw na makipaglaro ng sports, ayaw pumasok sa iskwelahan
- hirap makatulog o gustong-gustong matulog
- kawalan ng gana kumain at biglang pagpayat
- matamlay, kulang sa energy
- pakiramdam na ang buhay nya ay walang saysay (“hindi ako maganda”, “wala akong kaibigan”, “wala akong alam”, etc)
- paulit-ulit na pag-iisip na gustong magpakamatay
- irritable, mabilis magalit, madalas makipag-away
ANO ANG DAPAT GAWIN?
Kung na-obserbahan na posibleng may depression ang iyong anak:
- KAUSAPIN AT PAKINGGAN ANG ANAK. Hayaan syang magsabi ng kanyang mga nararamdaman. Tanungin kung may nagyayari sa bahay or eskewelhan na bumabagabag sa kanya.
- TULUNGAN ang anak na makita ang kanyang kakayanan at mga positibing katangian. Kung siya ay may problema, tulungan na ito ay lutasin.
- IPARAMDAM sa anak na may PAG-ASA at na siya ay MINAMAHAL.
- PATIBAYIN ang bonding ng pamilya. MAGDASAL.
SAAN DAPAT KOMUNSULTA?
1) Ang doktor/PSYCHIATRIST (spesyalista a MENTAL ILLNESS)/DEVELOPMENTAL BEHAVIORAL PEDIATRICIAN ay handang tumulong upang malaman kung ang iyong anak ay may depression. Siya ay maaaring mag-rekomenda ng counselling, psychotherapy o kaya ay gamot.
2) Ito ang Facebook page ng Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry-PSCAP .
3) Ito and website ng mga Developmental & Behavioral Pediatricians: http://devpedphil.org/
4) Mayroon ding HOPELINE Project support hotline for depression and suicide prevention: (02) 804-HOPE (4673), 0917 558 HOPE (4673) and 2919 (toll-free number for all Globe and TM subscribers)
Ang depression ay hindi gawa-gawa lamang. Ito po ay isang kondisyon na hindi dapat ipag-walang bahala.
I-SHARE natin para makatulong.
Reference: DSM-V/AAP | Images: CTTO
Salamat sa tulong mula kay Dr Rita Esguerra and Dr Tin Guevarra, mga Psychiatrists.