Newborn Screening: Bakit Ito Mahalaga?
by: Dr. Katrina Florcruz
KAILANGAN BA TALAGA NI BABY ANG NEWBORN SCREENING?
May mga nanay na nagtatanong kung ano ang NEWBORN SCREENING at gaano ba ito kahalaga.
ANO ANG NEWBORN SCREENING (NBS)?
Ito ay isang test na ginagawa 24-48 na oras pagkasilang ni baby. Kailangan ito para malaman kung si baby ay may sakit na tinuturing na congenital metabolic disorder.
Ang 6 na sakit na ito ay:
1. Congenital Hypothyroidism (CH)
2. Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH)
3. Galactosemia (GAL)
4. Phenylketonuria (PKU)
5. Glucose-6-Phosphate-Dehydrogenase Deficiency (G6PD Def)
6. Maple Syrup Urine Disease (MSUD)
Sa Expended Newborn Screening, hanggang 28 na sakit ang pwedeng ma-detect.
BAKIT ITO GINAGAWA ANG NEWBORN SCREENING SA BAGONG PANGANAK NA BABY?
May mga sanggol na malusog pagkapanganak ngunit di kalaunan ay nagpapakita ng simtomas ng mga sakit na nabanggit. Sa newborn screening, malalaman kung may sakit si baby kahit wala pa siyang simtomas. Maagapan ito at mabibigyan ng lunas bago pa man lumalala. Kapag HINDI NAAGAPAN, ang mga sakit na ito ay pwedeng humantong sa:
a. MENTAL RETARDATION
b. SEVERE ANEMIA
c. CATARACTS (KATARATA)
d. DEATH
PAANO GINAGAWA ANG NEWBORN SCREENING?
Kaunting patak ng dugo lamang ang kalingan na isalo sa Filter Paper. Ang sample ng dugo ay kukunin mula sa isang sakong (heel) ni baby.
BAKA MASAKTAN SI BABY PAGKINUHANAN NG DUGO?
Makakadananas ng panandaliang sakit si baby at siya ay sadyang iiyak. Wag po kayo mag-alala dahil ang tinusukan ay mabilis na gagaling at hindi mag-iiwan ng sugat or peklat.
MAGKANO ANG NEWBORN SCREENING AT PWEDE BA ANG PHILHEALTH?
Ang newborn screening para sa 6 na sakit ay Php550. Ang expanded newborn screening para sa 28 na sakit ay Php1500. Kung ikaw ay Philhealth member, covered ng newborn care package ang Php550. Kung expanded newborn screening ang ipapagawa, kailangan bayaran ang nalalabi na Php950.
PAANO MAKUKUHA ANG RESULTA?
Ang resulta ay lumalabas sa loob ng dalawang (2) linggo pagka-submit ng ospital sa Newborn Screening Center.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG RESULTA?
Kapag NEGATIVE o WITHIN NORMAL LIMITS ang resulta, ibig sabihin ay normal ang resulta at walang na-detect na sakit kay baby.
Kapag POSITIVE o OUTSIDE NORMAL LIMITS, kunin ang resulta at ipakonsulta si baby sa isang doktor. Dapat din siyang dalin sa pinakamalapit na Confirmatory Center.
Para sa karagdangang kaalaman tungkol sa Newborn Screening:
- ito ang website ng Newborn Screening Reference Center (NSRC): http://www.newbornscreening.ph/
- Contact Numbers: TL (+632) 2476002/ 04 /06; Mobile (0917) 589 4011, (0920) 914 2687
- E-mail: info@newbornscreening.ph
SHARE po natin ang kaalaman lalo na sa mga nanay at mga buntis.
Reference: NSRC, Babyfirsttest.org| Images: CTTO