DIARRHEA IN CHILDREN: FIRST AID & HOW TO USE ORAL REHYDRATION SOLUTION (ORS)

2020.04.12_Diarrhea and ORS

DIARRHEA IN CHILDREN: FIRST AID & HOW TO USE ORAL REHYDRATION SOLUTION (ORS)
By Dr. Katrina Florcruz (Pediatrician)

Ito ang ilan sa pwedeng gawin kung ang bata ay nagd-diarhea at nagsusuka. Tandaan na kapag dumudumi or nagsusuka, hindi lamang tubig ang nawawala sa bata. Nawawala din ang mga electroytes tulad ng Sodium, Potassium, at Chloride.

1.) ORAL REHYDRATION SOLUTION (ORS) – Ito ang ideal fluid para maiwasan ang dehydration.

* HOW TO PREPARE ORS?
May ORS na ready-to-drink brands tulad ng Pedialtye, Vivalyte, Glucolyte, at Vivity.
Kung ang ORS ay nasa sachet, read the label kung paano timplahin. Halimbawa:
– Brands na Hydrite, Vivalyte: 1 sachet + 200ml water
– Brand na Glucolyte: 1 sachet + 150ml water

Tubig lamang ang gamitin pangtunaw sa ORS sachet. Hindi pwede ang gatas, sabaw, juice, at softdrinks.

* HOMEMADE ORS kung walang mabili sa drugstore:
Paghaluin ang sumusunod:
6 kutsarita na asukal (6 teaspoons sugar)
Kalahating kutsarita asin (half-teaspoon salt)
1 Liter clean drinking water

* GAANO KADAMING ORS ANG IBIBIGAY every time dumudumi ang bata (watery or soft stool).
Less than 2 years old: about 50 to 90ml
2 years old and above: 100 to 200 ml

Note: Give ORS slowly in sips. Kung ang bata ay nagsusuka, ibigay ang ORS 30 minutes after vomiting.

2.) IMPORTANT REMINDERS:

(a) HINDI ANGKOP ANG SPORTSDRINK drink tulad ng Gatorade at Pocari Sweat para sa mga bata. Mataas ang electrolytes ng sports drink para sa kailangan ng bata.
(b) CONTINUE BREASTFEEDING. If si baby ay nage-exclusive breastfeeding, ibigay ang ORS in addition to breastmilk
(c) para sa mga older children na nags-solid food na, pwede magbigay ng sabaw, am (rice water), at fresh juice upang hindi ma-dehydrate. Pwede din pakainin ng mashed banana and apple.
(d) kung may SIGNS NG DEHYDRATION, dalhin sa pinaka-malapit na clinic or ospital:

  • lubos na nanghihina
  • watery diarrhea and vomiting more than 5 times everyday
  • bloody stool
  • fever temp 37.8 and above
  • ayaw dumede/maniha kumain
  • lubog ang mata at bunbunan
  • kaunti ang pag-ihi
  • other unusual signs and symptoms

PLEASE SHARE!
Facebook page: Dr. Katrina Florcruz Facebook Page
Youtube: KatrinaMD.ph

References: IMCI/Mescape
Images: Internet/CTTO